Tumatawa pa ako sa biro kong may regla, pero bigla na lang nanunggab ang lalaki. Hinawakan n'ya ako sa batok, iginiya upang palalimin ang halik. Napatukod ang palad ko sa dibdib nito upang hindi tuluyang madaganan ito. Pati ang nananahimik kong dila ay tinudyo-tudyo nito. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nagsasalo sa mainit na halikang iyon. In-adjust pa nito ang sarili. Sumandal siya sa headboard ng kama, pagkatapos ay inutusan n'ya akong maupo sa hita n'ya. Pabukaka. Paharap sa kanya. Sa tagal n'yang pinagtuunan ang labi ko'y ramdam ko na ang pamamanhid doon. Bahagya nga lang itong humihinto kapag pareho naming kailangan sumagap ng hangin. Nang akmang hahalik ulit ito'y umiwas muna ako. Hindi dahil sa ayaw ko, kung 'di kailangan ko pang ibalik sa normal ang paghinga ko. Ang l