"Hindi man lang kayo nakahintay. Matigang sana kayo." Iyon ang letter na iniwan ni Atalanta. Nakadikit iyon sa pinto ng banyo. Maayos na ang kama, iyong damit kong ginamit n'ya ay nakatupi na. Ewan ko lang sa panty at bra. Suot n'ya pa siguro. Ipinasa ko kay Lion ang letter ni Atalanta. He giggled. "She's crazy." Aliw na ani nito sa akin. Saka s'ya yumakap sa bewang ko at pinanggigilan ang leeg kong singhot-singhutin. "Do you think. . . nakita n'ya tayo?" tanong ko sa lalaki. Sa walk-in closet na kami nakatulog ni Lion, at hindi na nag-abala pang lumipat sa maayos na tulugan. "Narinig man n'ya, nakita man n'ya, I don't care." Pinalo ko ang braso n'ya. Siyempre kung narinig or nakita man kami ni Ata. Nakakahiya pa rin iyon sa kanya. Baka iniisip na no'n ngayon na addict kami ni Lion