Lumulan ako sa motor na ginagamit ko sa tuwing nagtutungo sa head quarters ng X's Mafia Group. Nandito ang pinakamalaking head quarters nila sa Pilipinas. Nakuha kong makapasok sa grupo na hindi pinagdududahan ang pagkatao ko. Suot ang maskarang itim na ginagamit ko sa tuwing nagtutungo sa arena bilang Beta ay binaybay ko ang daan patungo sa HQ. Si Lion lang ang nakakaalam ng katauhan ko, dahil sa aksidenteng pagkakabuko nito sa tattoo ko sa likuran. Ngunit hindi alam ng lalaki ang mukha ko sa likod ng maskarang gamit ko. Pagalingan na lang talagang magkubli ng katauhan sa loob ng arena. Kung hihina-hina ka, paglabas mo pa lang ng lugar na iyon, tiyak kong tapos agad ang buhay mo. Maraming maghahangad na itumba ka, dahil feeling nila ay achievement na iyon. Kumaway sa akin si Aell