"She's alive. Buhay si Alatheia." Casual na ani ni Atalanta, habang chine-check nito sa kanyang bank account ang perang pumasok sa account n'ya. Nagtitinga pa ito, saka pinipitik na lang basta ang toothpick sa tuwing may nakukuha s'ya. Hindi napigilan gagapin ni Lion ang kamay ko nang sunod-sunod na pumatak ang luha sa mga mata ko. Si Atalanta ba ang nakakuha sa kapatid ko? Bakit inabot s'ya ng ganito katagal saka lang kami ii-inform sa napakahalagang bagay na ito? "Pakiulit nga ang sinabi mo, Ata?" ani ko. Gabi-gabi kong dalangin na sana nga'y makita ko pa ang kapatid ko. Na sana ay makasama ko pa s'ya. Na sana'y napadpad lang s'ya sa ibang parte ng lugar na iyon. "Buhay si Alatheia. Buhay si Beta." "Nasaan s'ya? Bakit ngayon mo lang sinasabi sa amin ito?" "Eh, kailangan ko kas