Pareho lang kaming naka-robe. Inuna talaga naming asikasuhin si Chim Chim, para ipwesto na sa crib n'ya. Pagkatapos paliguan ito'y sinuutan muna ng diaper, saka binihisan. Iyong cute na pantulog nito na si papa pa ang bumili. Si Lion, hindi na kailangan pang utusan. Nagtimpla na agad ito ng gatas ni Chim Chim. Saka ipinuwesto iyon sa crib, malinis na rin ang pacifier na isinama na rin nito roon. Nang ilapag ang unggoy ay hindi agad ito humiga. Tinititigan pa n'ya kami ng asawa ko. "Wala ka pa ring balak matulog? Gusto mo ba dalhin kita sa labas. Ilagay kita sa puno? Doon madilim. Marami pang insektong kakagat sa 'yo. Kaya matulog ka na." Akala mo naman itong si Lion, kung kausapin si Chim Chim ay parang tao. Kaso nangalumbaba pa ang unggoy. "No treats bukas si Chim Chim kapag hindi