Malakas na ang ulan. Pigil na pigil ko ang paghinga. Habang palapit sila sa paanan ng bundok ay mas lalong lumalakas ang buhos ng ulan. Ang cellphone ay basa na. Kusa na nga iyong namatay. Naiiyak ako, pero pinigilan ko ang sarili ko. Mariin na lang akong pumikit. Pero agad ding napadilat nang may maramdaman akong marahang dumidikit sa ilong ko. Pakiramdam ko'y buntot. Parang mabalahibo. Hindi na lang takot sa mga intruder ang nararamdaman ko. Pati na iyong sitwasyon ko sa taas ng puno. Naramdaman ko ang pagtapak ng kung ano sa ulo ko. Habang ang buntot ay patuloy na tinutudyo ang tungki ng ilong ko. Kung magpatuloy pa iyon ay tiyak na mababahing na ako. Hindi na ako gumagalaw, pigil na pigil ko rin ang paghinga ko. Naririnig kong tinatawag ang pangalan ko. Pumaibaba na ang hayop na