“What are your plans now, bakla?” tanong sa akin ni Zoe. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanya. Bakas na bakas pa rin sa boses niya ang labis na kasiyawhan at tuwa dahil sa naging resulta ng tatlong pregnancy test kit. “Hindi ko pa alam, Zoe,” mahina at hindi siguradong sagot ko. Totoo naman iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako sigurado kung ano ba ang dapat na gawin ngayon. I mean, this is definitely my first time. Base sa mga nararamdaman kong pagbabago sa akin nitong mga nakalipas na araw, at ang pare-parehong resulta ng tatlong pregnancy test kit ay alam kong nagdadalang tao na nga ako. “Sasabihin mo ba agad kay Hans?” tanong ulit niya, napanguso naman ako bago marahang umiling. “Hindi na muna, Zoe. Saka na siguro kapag sigurado na. I’ll meet an ob-gyn as soon as possi