Zoe and I had decided to go straight to her apartment. Hindi na nga rin namin sinilip sina Nanay Lorna at Sandro sa kabila. Nakasara kasi ang pinto, siguro ay nagpapahinga sila o nagsi-siesta. Pagkadating namin ay agad niyang inilapag sa lamisita ang paper bag na may lamang pagkain. Tapos ay halos patakbo pa siyang nagpunta sa kusina na siyang ikinakunot ng noo ko. “What are you doing?” nalilitong tanong ko. Ngumisi lang siya sa akin at hindi na sumagot. Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan siya. Mayamaya lang ay bumalik siya na dala ang isang mangkok na may lamang tomato sauce. Inilapag din niya iyon sa lamesita at ngumisi ulit sa akin. “Subukan mo ngang amuyin ito?” tanong niya na siyang ikinalito ko. “Bakit?” nalilitong tanong ko. “Basta amuyin mo na lang!” pangungulit nama