Mabuti na lang at naging okay naman sa akin ang nilutong adobo ni Zoe. Nakakain ako ng maayos na siyang ipinagpapasalamat ko. Maging sina Sandro at Elliot nga ay kumain ulit kasabay namin, eh. Kung sabagay, hindi ko alam kung kumain ba talaga si Elliot kasabay nina dad sa SSL. Iniwan na kasi namin sila agad kanina. “Okay na ba ang pakiramdam mo?” seryosong tanong sa akin ni Elliot habang nagpapahinga na kaming apat sa sala ng apartment ni Zoe. “Itutulog ko lang ito magiging okay na ako,” sagot ko naman. “Tatabihan kita,” aniya kaya mabilis akong umiling. “Hell ’no!” agad na sagot ko. Again, he groaned in disbelief. Ano ba ang magagawa niya kung ayaw ko siyang katabi? Wala naman. “Laro na lang tayo ng playstation, bayaw. Nakakasawa kasi maglaro mag-isa, eh. Wala akong kasama,” nakang