The next day, I woke up as the sunlight from the un-curtained window touched my face. Pagkamulat ko sa mga mata ko ay una kong hinanap si Elliot. Napangiti naman ako nang makita siyang nakatagilig paharap sa akin, nakatitig din siya sa akin at nakangiti. “Good morning, Mrs. Wrights,” malambing na saad niya. Napahagikgik naman ako kasi umagang umaga ay pinapakilig niya ako. “Good morning din daw po kay Daddy Elliot sabi ni Mommy Rome at baby,” malambing na sagot ko naman. Marahang lumapit sa akin si Elliot para sana halikan ako, pero agad akong umiwas at tinakpan ko pa ang bibig ko kasi hindi pa ako nagmumumog man lang. Nakakahiya lang na baka bad breath ako at maamoy pa niya. “What’s wrong?” kunot noong tanong niya. “Are you going to throw up?” may halong pag-aalala na dagdag pa niya,