I think it was around eight in the evening when the people started to go one by one. Hanggang sa ang matira na lang ay ang mga pamilya namin at sobrang malalapit na kaibigan. Kasama ro’n ang mga staffs ni Zoe sa resto, sina Ana, May, Ken at Euree. Ngayon ay magkakasama na silang lahat sa isang malaking mesa at nagkakasiyahan, maging ang mga magulang namin ay kasama nila sa inuman. Nakakatawa nga kasi napilit din nina Mom si Nanay Lorna na uminom ng wine. “Guys,” napalingon kaming lahat kay Elliot nang magsalita siya at tumayo. “Ikukulong ko muna sa kuwarto si misis, alam niyo na,” aniya at ngumisi pa. Naghiyawan ang mga kaibigan namin, maging ang buong pamilya namin dahil sa sinabi niya. Mahina naman akong natawa kahit pa nakaramdam ng bahagyang hiya dahil doon. “What about us?” nakan