“I’m glad you made it here!” masayang saad ko nang lapitan ang mag-asawang Lim. Kasalukuyan nang kumakain ang mga bisita, kami nina Elliot, Zoe at Kuya Aries ay hindi pa. Mas inuna kasi namin na daluhan ang mga bisita namin. Hindi ko sila makakalimutan, at ang kabutihan na ginawa nila sa akin noon sa Yacht Party nila. Kahit na hindi ako sigurado kung natatandaan pa nila ako ay masaya ako na pina-unlakan nila ang imbitasyong ibinigay ni Ellot. “Of course, Rome. We can’t miss the wedding of the year!” kinikilig naman na sagot ni Ashley. “Sadly, hindi kami puwedeng magtagal dahil sa dami ng kailangang gawin. We are also need to catch our flight later at 10:00 PM,” nakangiting sagot naman ni Alonzo. “But here’s our gift for you,” dagdag pa niya at inabot ang isang envelope. “Naku, hindi n