“Ma’am Zoe, Ma’am Rome, balak po naming kumain sa labas. Sama po kayo,” nakangiting saad ni Sam sa amin. It’s already six in the evening. Normally kasi ay alas cinco ang labas namin pero hinintay pa naming matapos kumain ang mga customers na saktong alas cinco dumating. Tapos ay tumulong na rin ako sa pagliligpit. “What do you think, bakla?” tanong sa akin ni Zoe, ngumiti naman ako at marahang tumango. “Sure,” sagot ko. “Dinner’s on me. Kunware welcome party na lang para sa akin kahit na magi-isang linggo na ako rito,” pagbibiro ko pa kaya natawa ang lahat. “Ma’am Rome, ang ganda ganda niyo po,” medyo nahihiyang saad pa ni Sam kaya mahina akong natawa. Sa totoo lang siya lang ang natatandaan kong pangalan. Kaya gusto ko rin na sumama sa dinner nila para kahit na papaano ay makilala ko