“Marunong ka palang magluto, Sam,” nakangiting saad ko. Kasalukuyan kasi kaming kumakain ng tanghalian at sobrang sarap ng niluto niyang Cajun seafoods. I thought that Zoe was the one who’s going to cook it. Marunong ding magluto si Zoe, kaya suwerte si kuya Aries sa kanya. She’s not just a sexy body and a beautiful face. She’s definitely a housewife material. Kung sabagay ay masipag at mabait naman si kuya Aries. Kaya suwerte lang sila sa isa’t isa. “Naku, ma’am Rome, nag-aagawan pa nga po kami ni ma’am Zoe sa pagluluto. Eh, itong Cajun seafoods po ang specialty ko, eh,” sagot naman niya kaya ngumiti na lang ako at marahang tumango. Nakita ko na kumuha si Elliot ng isang hipon gamit ang tinidor, tapos ay inilagay niya iyon sa plato niya at binalatan. Napangiti pa ako nang ilagay niya