“Let’s…” I trailed off. “Let’s stay here with them for a bit. Para walang maghinala. I mean, wala namang masama kasi may relasyon naman tayo pero nahihiya ako sa iisipin nila. Mamaya sasabihin ko na pagod na ako, tapos pasok na tayo,” mahinang bulong ko pa. Mahina siyang natawa dahil sa sinabi ko, pero tumango na lang siya. “It sounds like plan,” natatawang wika niya. “Tapos?” tanong pa niya. “Huh?” nalilitong tanong ko pabalik sa kanya. “Tapos? Ano ang gagawin natin kapag nasa kuwarto na tayo?” may halong landi na bulong niya ulit sa akin. “A-Alam mo na iyon,” nahihiyang sagot ko at agad na nag-iwas ng tingin. “Ha? Hindi ko naman alam, eh,” may halong pang-aasar na giit pa niya. “Ah talaga ba?” tanong ko. “Edi wala tayong gagawin,” wika ko pa kaya mas lalo siyang natawa. “Okay,” a