Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. I just want to unwind and divert my attention to other things. I also just want to bond with my family. Pero bakit nangyayari na naman ito? Naging masama ba ako noong nakaraang buhay ko para parusahan ng ganito? Bakit sunod sunod ang nga problema at kamalasan na nararanasan ko? “Sumama muna po kayo sa amin, ma’am,” saad nung guard. “Pero hindi ko po kinuha ’yan! Hindi ko nga po alam kung bakit nasa bag ko ’yan, eh!” natatakot na sagot ko. Napalingon pa ako sa paligid at nakita ko na ang daming tao ang nakatingin sa amin. Nandoon din si Lorraine na nakangisi, kasama ang dalawang pinsan niya na sina Misty at Shine. Alam ko na sila ang may gawa no’n! Sila lang naman ang may galit sa akin sa hindi ko malamang dahilan! Kaninang binunggo ako