Ang isa sa mga masasakit na bagay ay ang makatanggap ng reply na ‘Okay’ mula kay Elliot nang padalhan ko siya ng message na nagsasabing break na kami. Buong gabi akong umiyak pagkatapos no’n, Natulog akong mag-isa sa guestroom ng apartment ni Zoe. Hindi naman niya ako tinanong kung bakit kahit pa nasanay na siya na madalas ay tumatabi ako sa kanya. Gusto kong ubusin sa gabing iyon ang luha ko at magtrabaho na parang walang nangyari kinabukasan. Pagod na rin kasi akong idamay at idawit ang mga taong malalapit sa akin sa mga issues ko sa buhay. But who was I kidding? As if naman na gano’n kadali iyon. Pagkagising ko kasi kinabukasan ay mugtong mugto ang mga mata ko at mabigat pa rin ang nasa loob ng dibdib ko. “Bakla,” may halong pag-aalala na saad ni Zoe. Napalingon ako sa pinto ng kuwa