Chapter 82

2193 Words

Nagtaas ng isang kilay si Mamita at mataman akong tinitigan. Kagaya kasi nang napag-usapan kanina ay pinuntahan namin siya pagkatapos naming kumain. “Gusto ko po sana ng written proof na bayad na kami sa utang,” saad ko pa. Kinausap ko na kasi siya tungkol sa pag-alis ni Sandro sa bar. Sinabi ko na babayaran ko ang utang ng nanay namin. “Eh, ang utang ni Vicky sa akin?” tanong niya. “Babayaran ko na rin po,” sagot ko. Mas maigi na iyong hindi nila kami hinahabol. Para rin kahit na papaano ay walang masabi sa akin sina Vicky at Banjo. Pagkatapos nito ay bahala na sila sa buhay nila. Basta ang tutulungan ko lang ay si Sandro ay nanay Lorna. “Sige, gagawa ako ng kasulatan na nagbayad ka na tapos ay pipirmahan natin pareho,” aniya kaya marahan akong tumango. Inutusan naman niya ang isan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD