Pagkatapos kumain ay nagpasya sina mom at Nanay Lorna na manuod ng TV na magkasama. May mga teleserye kasi sila na inaabangan tuwing gabi. Sina dad at kuya Aries naman ay inaya kaming tumambay sa poolside para makapagkuwentuhan doon at maka-inom din daw sila ng alak. Nagpasya sila na uminom lahat, maging si Sandro nga ay binigyan ni kuya Aries ng wine na kinuha pa sa cellar. It’s just a wine with five percent alcohol percentage. Hindi ko nga na may gano’n pala, pero hinayaan ko na lang ang kapatid ko para mag-enjoy rin siya. “Ilan ang extra shirts na dinala mo? Swimming tayo mamaya,” saad ni kuya kay Sandro. “Isa lang kuya, eh. Itong suot ko ngayon. Madumi na kasi iyong pinanlaro natin ng basketball kanina,” sagot naman ng kapatid ko. “Hindi bale, bibigyan na lang kita. May mga pinagl