I think it was around ten in the evening when dad had decided to take a rest. Sa totoo lang ay gusto ko na nga ring umalis para makapagpahinga na dahil may trabaho pa kami bukas. Iyon nga lang ay ayaw pa kaming paalisin ni kuya Aries. Maging si Sandro ay ayaw pang umuwi. Masyado silang nag-eenjoy sa inuman at kuwentuhan. Tapos ay balak pa nilang maligo sa pool. “Kuya, marami pa namang susunod. Kailangan na rin naming magpahinga,” pamimilit ko nang mapagtanto na wala pa talaga silang balak na huminto. “Edi magpahinga ka doon sa kuwarto mo. It’s not like this isn’t your home,” depensa naman niya. “Come on, Rome! Alam mo kung gaano ko kagusto na magkaroon ng lalaking kapatid. We’re still having fun,” dagdag pa niya, tumango naman ang loko kong kapatid bilang pagsang ayon. “Oo nga po, ate.