The next day, I woke up at around five in the morning. Medyo nahihilo na naman ako kaya hindi muna ako tumayo agad sa kama. Nagpahinga na muna ako saglit at nang sa tingin ko medyo okay na ako ay saka ako pumasok sa banyo para maligo at magbihis na. As far as I remember, they all stopped drinking at around 12 midnight last night. Nahiya nga ako sa mga kasambahay kasi hinintay pala talaga nila kaming matapos para mailigpit nila ang mga pinagkalatan namin. Si Nanay Lorna ay natulog sa dati niyang kuwarto rito, iyong katabi nung maid’s quarter. Si Sandro naman ay pinatuloy namin sa isang bakanteng guestroom. Si Elliot ay balak pa sana niyang umuwi, pero sinabi ni kuya na dito na rin matulog at pumayag naman na walang pag-aalinlangan ang loko. Nang matapos mag-shower si Zoe sa kuwarto ko at