“Are you, guys, ready?” malakas at masayang sigaw ni Zoe sa aming lahat. Kasalukuyan kaming nasa harap ng resto niya. Ang bilis lumipas ng mga araw at naging maayos naman ang lahat. Naging tahimik na rin naman kami sa pagtira sa bahay nina mom at dad, gaya rin kasi nang sinabi ni Vicky ay hindi na siya nagparamdam pa ulit sa amin. Ngayon ang araw na babiyahe kami papunta sa Zambales para sa team building namin. It’s just four in the morning, at balak nila na maaga talagang bumiyahe para maaga rin daw kaming makarating sa aming destinasyon. Pinilit ko nga kahapon sina mom, dad at Nanay Lorna na sumama, pero silang lahat ay tumanggi. May kanya kanya silang mga rason na tinanggap ko naman. Gustong gusto ko silang makasama pero wala naman akong magagawa kung may kanya kanya silang mga lakad