“What happened?” tanong ni Elliot, kasalukuyan kaming nakaupo ngayon lahat sa sofa. “H-Hindi ko alam, basta pagkauwi namin ni Zoe hindi naka-lock ang pinto, and then, I found this note,” nanginginig ang boses na sagot ko naman. “Kasalan ko po ito, eh. Sana po hindi na ako pumayag na kumuha ng passport. Sana po binantayan ko na lang siya,” naiiyak na bulong naman ng kapatid ko. “Hindi mo kasalanan, Sandro. Wala kang kasalanan, okay?” sagot ko naman. Huminga ako ng malalim habang pinipigilan ang luha. “Tatawagan ko siya. I’ll put it in loudspeaker, so don’t make any noise,” saad ko. Inilabas ko ang cellphone ko tapos ay agad na d-in-ial ang number na iniwan ni Vicky sa sulat. Siguro ay apat na beses na nag-ring iyon bago niya sinagot ang tawag. “Hello, si Romina ba ito?” agad na tanong