“Mukhang malalim ang iniisip mo, ah?” tanong ni Zoe. Kasalukuyan kaming nasa opisina namin sa resto at nagtatrabaho. Naging maayos naman ang araw namin kahapon, buong araw kasi kaming magkasama ni Elliot kahit na madalas ko siyang sungitan. Kapag naman lumalayo siya sa akin ay nagtatampo ako kaya natatawa na lang siya sa huli at niyayakap ako. Yesterday, he contacted his friend from DFA. May isang available na slot daw. Sakto raw ay nag-notify ang may-ari ng slot na iyon na hindi siya makakapunta sa appointment niya, kaya hindi naman daw problema kung ibibigay na lang kay Sandro. Kaninang umaga ay sinundo ni Elliot si Sandro sa bahay para mapuntahan nila ang passport appointment ng kapatid ko. “Hindi, bakla. Iniisip ko lang kung tapos na ba sina Sandro, pareho pa kasi silang hindi nagt