Days turned real fast and everything just went fine. Kahapon ay nagpaalam na kami ni Zoe sa resto, kasi ngayong araw ang biyae namin pa-Pangasinan para sa kasal sa susunod na araw. Kaninang mga bandang alas kuwatro ng umaga pa kami nasa biyahe at medyo nahihilo na ako. Planado na ang lahat. At habang mas nalalapit ang kasal ay hindi maalis sa akin ang kaba. Who would have thought that days would turn real fast, right? Parang kahapon lang ay magka-away pa kami ni Elliot dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Love, pero ngayon, ilang araw na lang ay ikakasal na kami. Nagpasya kami na gamitin ng isang Fortuner nina Elliot, tapos ay magpahatid na lang sa dalawang driver nila na mananatili rin doon kasama namin sa loob ng ilang araw. Magkakasama kami nina Elliot, Zoe, Kuya Aries at Sandro na b