Elliot and I stayed in the room for a quick nap. Ang natatandaan ko ay magkayakap kami bago ako binalot ng antok, tapos ay nagising naman ako na wala na siya sa tabi ko. Sound proof ang kuwarto niya, pero dahil nakabukas ang pinto ay rinig na rinig ko ang malakas na tawanan ng mga tao sa ibaba. Nagpahinga muna ako saglit at tumitig sa kulay puting kisame bago umupo sa kama at nag-unat pa ng katawan at humikab. I took a glance at the wall clock and saw that it’s already 3:00 PM. I’m still sleepy, but I no longer want to sleep. Baka kasi mapahaba lang lalo ang tulog ko at mahirapan ako na magpadating ng antok mamayang gabi. Tumayo na ako at agad na dumiretso sa pinto, isinara ko iyon dahil bukas ang aircon. Sayang naman ang lamig na lumalabas lang. Hindi ko nga alam kung bakit hindi isina