LUMIPAS ANG MGA TAON Maagang nagising si Clyde dahil may pasok pa sila, kaya naghilamos siya at agad pinuntahan ang kanyang kapatid na si Princess upang gisingin. "Little Princess, wake up." Gising ni Clyde sa kapatid. "Five more minutes, Kuya, I'm still sleepy," antik na saad ni Princess sabay talikod sa kanyang kuya. "No, wake up little Princess, may pasok pa tayo. 'Di ba excited ka kagabi dahil first day of school ngayon? Kaya gising na or iiwan kita at mauna akong papasok sa school." Banta ni Clyde kay Princess, habang nakangiti ito. "I'm awake!" turan ni Princess habang umupo kaagad. Tumawa si Clyde sa antik ni Princess at ginulo niya ang buhok nito. "Maligo ka na at bumaba, Mom's already made our breakfast," sabi ni Clyde. Tumango lang si Princess at agad na pumasok sa banyo