Kinaumagahan ay maagang nagising si Princess, kaya agad siyang naligo at nagbihis sa kanyang bagong uniporme dahil nasira 'yong uniporme niya na sinusuot noong first day of school. Si Clyde naman ay ganoon din at sabay silang bumaba at pumunta sa kusina. "Mom, Dad, little brother good morning!" bati ni Clyde. "Mommy, Daddy, little brother, good morning!" bati naman ni Princess. Nang tiningnan ni Princess ang ina ay bihis na bihis na ito kaya nagtaka siya. "Mommy, may lakad ka po?" Sa upo ni Princess sa hapag-kainan. "Little Princess, nakalimutan mo yata na pinatawag sina Mom and Dad sa school," sagot ni Clyde. Napatango na lang si Princess at yumuko ito na kumain. Pagkatapos nilang kumain ay sabay na silang umalis ang magkapamilya papunta sa school nila. Ganoon din ang nangyari sa