NAPATINGIN sib Gem sa maamong mukha ng dalaga at mas lalong lumakas ang pintig ng puso niya at ito ang dahilan sa dahan-dahan na paghupa sa inis niya rito. "Ganito, hawakan mong mabuti at itutok mo sa kalaban at kalabitin mo agad," paliwanag niya rito. "O-okay… thank you," pabulong nitong sabi. Bitbit ni Alexis ang baril pero mas naka pokus siya sa pagkuha ng video. Kahit saan nagpunta si Gen ay laging nakahawak sa uniporme niya ang dalaga. Samantalang patuloy pa rin ang ginawa ng mag-partner, ang bawat kalaban na mayroong bitbit na mga armas ay hindi na nila hinayaan na mabigyan ng pangalawang buhay. May isang nahuli si Divlen ng isang lalaki, sa tanto niya ay malaki ang ranggo nito sa laboratory. "Sino ang may-ari ng laboratory na ito?!" matapang niyang tanong rito. Habang ang