NAGPATULOY ang pagbibigay nila ng magandang mensahe sa bata na kahit si Alexis at ang iba paay nagbibigay rin. "Sending my best wishes to the little boy! Happy bday, Jhapde! Your blissful charm makes everyone smile! May the Lord bless you year after year with his boundless love and care." Masaya at nakangiting sabi ni Alexis. "Pogi, ang wish ko sa unang kaarawan mo ay sana lumaki ka na mas pogi pa na katulad ko." Bahagyang tumigil si Gen dahil nagtawan ang mga ito. "At matapang na gaya ang mommy mo. Nawa'y lumaki kang may takot sa Diyos. At masunurin na anak sa iyong mga magulang. Maligayang bati sa iyong unang kaarawan." Ang mensahe ni Gen sa bata. Marami pa ang kaganapan sa loob ng bulwagan ng Fernandez residence at ang lahat ay nag-eenjoy. Para kay Alexis, ito pa ang unang maganda