Helena's Point of View Hindi naman mahirap ang mga kahilingan ko kay Merrick. Para sa kan'ya rin naman ang mga 'yon at kung nanaisin niya ngang maglakbay at lumabas sa isla ay papayagan ko siya basta sundin niya lamang ang mga ibinilin ko at ang mga nais kong gawin at huwag niyang gawin. Gaya na lamang ang pagpapakita ng kaniyang tunay na anyo. Ayaw ko kasing pagkaguluhan siya at masaktan ng mga naninirahan sa laba ng isla lalo nang higit ng mga tao. Tiyak na sasaktan siya dahil iisipin nilang mapanganib siyang nilalang. Si Merrick, tao man o dragon, iisa lamang siya. Isang mapagmahal, magalang, responsable at maalagang nilalang. Tingin ko'y panahon na para maging malaya siya't magawa niyang matutunan ang mga bagay sa labas ng isla. Aminado akong masyado ko siyang pinrotektahan at inil