Sage's Point of View Inaantok na ko nang magdesisyon kaming magpahinga na sa kubo ni Damian. Pagod at masakit ang likod at mga braso dahil sa pagkukumpuni ng barko. Agad akong nakatulog sa pagod at nang magising ay nabalot na ng liwanag ang buong paligid. Tinanghali na halos kami ng gising. Papunta na ana kami sa batis upang maghilamos pagkabangon, ngunit pareho naming narinig ang malakas na pagpukpok na tila galing sa barko. Nagmadali kaning nagtungo kung saan nangagaling iyon at laking-gulat na lamang nang makita ang mga duwnde na inaayos ang aming sasakyan. "Magandang umaga!" bati ng isa sa kanila sa amin habang malapad ang ngiti sa mga labi. Napalingon ang kan'yang mga kasama dahil doon at napalingon sa gawi namin ang karamihan sa kanila. Lahat sila'y binigyan kami ng masamis na