Sa paglalim ng gabi at tulog na ang lahat. Ang diwata at si Merrick naman ay nanatiling gising at binabantayan ang gabi. Gaya ng dati, nagkukwentuhan ang dalawa hanggang sa maisipan nilang puntahan ang barko upang siyasatin ito. "Tuyo na ina," anunsyo ni Merrick nang idampi niya ang kaniyang kamay sa mga itinapal ng mga duwende sa mga butas sa kahoy sa loob ng barko. Siniyasat naman ni Helena ang nasa gawi niya at idinanmpi rin ang kaniyang daliri. "Tuyo na rin dito," kaniyang sabi at nilapitan si Merrick. "Pwede ko na po sigurong dalhin ito sa tubig," ani Merrick na hindi naman tinutulan ng diwata. Kaniya ngang ginawa. Nagpalit siya ng anyo. Nanatili su Helena sa barko habang dahan-dahang hinihila ji Merrick ang malaking sasakyang pandagat. Dinala hanggang sa parte kung saan hindi n