Sage's Point of View Hindi ko alam ang dapat maramdaman. Matapos nila kaming tulungan sa pagkukumpuni ng barko, ngayon naman ay nag-aani sila ng aming babaunin sa aming paglalayag. Napakalaki ng dapat kong ipasasalamat sa kanila. Hindi masusukat ang utang na loob ko sa mga nilalang dito sa isla sapagkat hindi nila kami sinaktan at inasikaso pa nila kami. Hindi itinuring na mga bihag sa kabila ng lahat. Kung tutuusin nga'y malaki ang kasalanan namin. Ang ipinagtataka ko lang, hindi na nagpakita ang dragon. Hindi kaya hindi rito naninirahan iyon? O baka nagtatago lang sa kung saan. Tinatago nila o nagtatago lang siya at handang lumabas ulit upang ipagtanggol ang mga naninira rito kapag may panganib na naman na dumating. Maari. Ganunpaman, nakatatakot pa rin kung magpapakita siya bigla