Chapter 26

1597 Words
Nagpatuloy si Merrick sa pagbalik ng mga bala ng kanyon sa barko. Ang iba ay tumatama, ang iba naman ay sa tubig na sinasabayan ng pagsabog nito. Nabulabog ang mga pating at lumipat sila ng puwesto. Naging sanhi iyon ng mga malalaking alon. Hindi na nakatiis si Sage. Nahihilo na siya sa loob ng kaniyang pinagkukubliban. Naglalaglagan na ang mga kasangkapan at pagkaing naroon at ilang beses na siyang nauntod at nahulugan ng kung ano-anong mga bagay. Nagpasya na siyang lumabas. Nangangamba na kasi ito nang husto. Natatakot na rin dahil mas lumakas ang mga pagsabog at palapit pa nang palapit. Sumasayaw na ang kanilang barko sa mga malalaking alon. Sumagi sa isip niyang baka bigla na lamang silang lumubog at makulong siya nang tuluyan sa kaniyang pinagkukublihan. Bawat pagsabog ay nadadagdagan ang dagundong sa kaniyang dibdib. Kanina niya pa hinihintay ang binatang anak ng kanilang tagapagluto ngunit ang tagal nitong bumalik kaya naman lumabas na siya upang hanapin ang kaniyang ama o di kaya ang binatilyo muna. Pagewang siyang pumunta sa pinto. Sa kaniyang paghakbang ay nagulat siya nang biglang natumba ang mga lalagyan na kanina lang ay doon siya nakahawak. Gumegawang sila. Tinakbo na niya ang pinto at paghawak ng dalaga sa seradura ay mayroon nanamang malakas na pagsabog mula sa labas. Napasandal siya sa pinto at nagtakip ng tainga. Nangangatog na ang mga tuhod niya ngunit ayaw niyang hayaang pangunahan siya ng takot. Binuksan na niya ang pinto. Nayanig nanaman ang barko nila dahil sa pagsabog galing sa kabilang barko. Napakapit siya sa hamba ng pinto at hinintay muna ang ilang sandali bago tuluyang umalis sa silid na pinanggalingan. Kumapit siya sa maaring makapitan at dahil sa malalaking mga alon, ang mga kagamitan na naroon sa kan'yang daraanan ay nagsisigalawan. Umuusog, ang iba ay dumadausdos na lamang sa kung saan. Nagkalat na ang mga kagamitan sa kung saan-saan. Hahakbang, iilag at kakapit sa lahat ng naaring makapitan. Iyan ang kaniyang ginawa. Sa likurang parte ng barko pa siya galing at lahat ng mga sakay ay nasa bandang unahan at nasa ibabang palapag Ang binatilyong kaniyang hinahanap ay tumutulong sa paglalagay ng bala ng kanyon. Tumitira lang sila, sinusunod ang utos. Nakarating na si Sage sa gitnang parte ng barko. Saktong pagdaan ng isang malaking nilalang sa himpapawid. Lumilipad kaya naman laking-gulat ng dalaga. Napaawang na lamang ang kaniyang mga labi at nanigas sa kaniyang kinatatayuan habang nakatitig kay Merrick. Sa pagdaan ni Merrick nang sandaling iyon ay naghagip din siya ng mga mata ng dragon. Siya rin ay nagulat sa nakitang tao. Ibang-iba sa mga kalalakihang sakay ng mga barko. Ang maamong mukha niya ay nakakuha ang atensyon nito at sa kaniyang pagdaan ay naisip niya pang umikot upang balikan ang kaniyang nakita ngunit wala na ito. Nadulas si Sage sa nabuhos na langis. Natumba at nakubli siya ng mga naglalakihang mga kahon na gawa sa kahoy at muntik na siya roon maipit. Sinabayan pa ng muling pag-uga ng barko at napatakbo siya sa kaliwang bahagi at napakapit na lamang sa kung anong mahawakan niya. Nahirapang nang nakakilos si Sage mula roon. Mas tumindi pa kasi ang uga ng barko na para bang may bumabangga sa kanila mula sa ilalim. Maririnig na parang may humahampas sa kanila mula sa ilalim at maya-maya ay narinig na lamang ni Sage ang sigaw ng kung sino na may butas na raw ang kanilang barko. Muli siyang nadulas at sa pagkakataong iyon ay napaaray na siya sa sakit. Kumirot ang kaniyang kaliwang paa at nang subukan niyang makatayo ay nahirapan na siya. Nagmadali ang mga kalalakihan na ibinaba ang kanilang mga bangkang maliliit na nasa gilid ng kanilang barko nakatali. Kasama si Skull sa mga iyon at nang nakasakay na siya sa bangka ay hindi niya mawari kung ano ang kaniyang naramdam dahil tila ba may naiwanan siya sa barko. "Binibini!" Narinig ni Sage na tawag. Ang hinala niya ay ang binatilyo iyon kaya sumagot siya. Kailangan niya rin ng tulong dahil ang paa niya ay masakit talaga. "Narito ako!" Narinig ng binata iyon ngunit mahina. "Binibini!" Muli niyang tawag at sa kaniyang pagliko ay nakita na niya ito na nakasalampak sa lapag at hindi makatayo. "Tara na po, lulubog na ang barko!" Natatarantang saad nito. "Patawad, hindi na ako makatayo. Umalis ka na at iwan ako," ani Sage sa binatilyo. Nagtaka naman ito sa sinabi nito ngunit wala na oras para usisain pa. Sinubukan niya itong itayo habang inaalalayan nakuha niya rin ang sagot kung bakit nasabi iyon ng dalaga. Ang paa kaliwang paa nito ang masakit ngunit hindi dahilan iyon upang hindi sila makaalis. Pilit niyang inakay ang dalaga. Naiiyak naman si Sage sa sakit ng isa niyang paa. Isa pang dahilan ay nagsisisi na siya dahil naisipan niya pang pumuslit at sumama sa kaniyang ama. Nanginginig ang tuhod at masakit ang paa, ngunit pinilit niyang makalakad dahil ayaw rin siyang iwan doon ng binatilyong kaniyang kasama. Nakaalalay sa kaniya ang binatilyo. Pinakapit siya muna nito sa kahoy upang hindi sumama o mahulog sa tubig dahil papalubog na ang sinasakyan nila. Iisa na lamang ang bangkang naroon. Mabuti na lamang at may natira pa. Wala ng taong sakay sa barko kundi sila na lamang dalawa. Ang mga kasama nila ay lumipat na sa kabila ngunit natatakot ang binata na sundan sila roon dahil nakita niyang may mga naglalakihang mga pating na paikot-ikot sa mga barkong iyon. "Pakihawak po muna," abot niya ng dalawang sagwan kay Sage. Agad naman nitong kinuha at niyakap gamit ang isang kamay. Natulala ni Sage nang matanaw niyang muli ang dragon na sa mga libro lamang niya nakikita at nababasa. Nasa kabilang barko ito umaatake. Pinatatamaan nila siya ng kanyon at habang pinapanood ay hindi na niya namalayan na tinatawag na pala siya ng binata upang bumaba na nang makaalis na sila. Kinuha nito ang sagwan sa kaniya. Abot na sa paanan niya ang tubig at ang bangka ay nagawa ng binatilyong mailapit sa dalaga at napahakbang niya ito roon. Halos mapahiyaw si Sage dahil naidiin niya ang paa niyang mukhang napilipit ang ugat dahil sa pagkakadulas niya. Pagsampa ni Sage ay nagsagwan na ang binatilyo. Palayo ang sagwan niya sa kanilang mga barko at patungo sila sa isla na bigla na lamang lumitaw at wala naman kanina siyang natanaw. Hindi na nagtanong pa si Sage kung bakit doon sila papunta. Nakita niya rin kasi ang mga pating na paikot-ikot at sinisungag ang nga barko upang mabutas gamit ang matutulis at matigas nilang mga likod. Habang ang iba ang ngipin naman ang gamit at kinakagat ang mga kahoy upang sirain. Nag-aalala siya sa kaniyang ama. Gustuhin niya mang pumunta rin kung nasaan ito ay delikado naman dahil sa mga pating na naroon na pwedeng humarang sa kanila at lapain sila. Palayo sila nang palayo. Mabilis ang pagsagwan ng binatilyo dala ng takot na nadarama at ilang minuto lang ay nasa pampang na sila ng isla. Samantala, si Merrick ay inis na inis na. Ginawa niyang mga bola ang balang pinatatama sa kaniya. Nagawa niya, hindi na nga ang isla ang pinupuntirya nila kundi siya na. Hindi mabilang ang mga balang iniilagan niya ay ang mga tumatama naman ay parang mga bugbog sa katawan niya. Sa dami at may dalang sakit sa kaniyang kalamnan. Hindi man tumatagos sa kaniyang makapal na kaliskis, ang hatid naman ay bugbog sa katawan. Idagdag pang napakarami. Nahihirapan siyang ilagan lalo na kung sabay-sabay silang palapit sa kaniya. Napalubog na niya ang apat na mga barko. Ang dalawa ay tinulungan siya ng mga pating. May anim pang natitira at sa tingin niya ay oras na upang gamitin niya ang kakayahang taglay niya upang sila'y tustahin. Balak niyang ubusin ang mga bala nilang dala ngunit mukhang marami pa kaya naman tutulungan na niya silang maubos nang mas mabilis sa paraang naisip niya. Lumipad siya paitaas at umikot sa likurang parte ng mga barko. Doon siya bumuga ng apoy ay isa sa mga barko ang mabilis na nabalot ng apoy. Napapanood ni Sage iyon. Nakita niya ang mga sakay na nagsitalon sa tubig. Matapos ng apoy ay sunod-sunod ang mga pagsabog. "Amaaa!" sigaw ni Sage at natutop ang bibig sa gulat at takot na naramdaman niya nang sabay. Sunod-sunod na kasing nasunog ang mga barko matapos bugahan ng dragon ng apoy ang mga iyon. Nagsitalunan ang mga kalalakihan sa tubig at ang mga pating naman ang sa kanila ay humihila pababa at isa-isang kinakain. Maswerte ang may mga dalang baril at nagawa nilang mabaril ang mga lumapit at naitaboy, isa roon si Skull na sinigurong mayroon siyang armas at sapat na mga bala sa kaniyang bulsa. Hindi na niya namalayan ang iba na nahulog sa tubig sa kaniyang pagtalon at lumangoy siya nang lumangoy hanggang makarating sa mababaw kung saan di na abot ng naglalakihang pating. Umahon siya kasama ng ilan pang nakaligtas. Nakita nila Sage na may mga parating at nasa pampang at paika-ika niyang sinalubong ang mga ito upang tignan kung isa sa kanila ang kaniyang ama. Halos lumukso ang puso niya nang natanaw ito. Kinawayan niya upang siya ay makita. Habang palapit naman ang dating pinuno ng mga pirata ay laking gulat niyang makita ang anak na dalaga na nasa isla. "S-Sage! A-anong ginagawa mo rito?" malakas niyang tanong. May halong galit at gulat dahil hindi niya inaasahan iyon. Habang palapit si Skull sa kaniyang anak ay nagimbal naman si Sage dahil nakita niya ang lumilipad na parating. Nais niya sanang takbuhin ang kaniyang ama ngunit napaatras siya nang apoy ang sumalubong sa kaniya at kinain ng apoy na iyon ang kaniyang ama sa mismong harapan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD