I SEE A MONSTER CHAPTER 43 MABILIS na nakarating si Arkanius sa bayan ng San Pedro. At mabilis din siyang nakipaglaban sa kanyang mga angkan. May mga nakita siyang wolves na tinamaan ng mga palaso. Dahil sa kuryusidad, nilapitan niya ang isang may tama ng palaso. Pagtingin pa lamang niya ay alam na niyang may lason ang palaso. Napalinga- linga tuloy ang binata. Napapaisip siya kung sino ang may gawa niyon. Dahil iilan lamang ang nakakaalam na namamatay sila sa palasong may lason kung hindi maagapan. Tanging sila lamang na mga lobo ang may alam noon. Sinong mortal ang maya alam sa kanilang kahinaan. Nauntag ang diwa ni Arkanius nang makarinig ng napakaraming sigaw at hiyawan. Mga nakakatulig na iyakan at pagmamakaawa. Kaya mabilis siyang tumayo at iniwan ang lobong may tama ng palaso. Ag