I SEE A MONSTER CHAPTER 44 NAGNGANGALAITI pa rin si Arkanius habang nakatingin kay Aro. Nanlulumo naman siyang napapatingin kay Abegail. "Pakiusap kahit alisin mo lamang ang kanyang tali nang sa gayon maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman." Wika ni Arkanius. "Mahal mo ba talaga siya Arkanius?" seryosong tanong ni Aro. "Kuya, bahagi na siya ng isa kong pagkatao at ayokong mawala siya sa akin. Alam mo naman ang pakiramdam ng isang taong naghihinagpis dahil wala na ang kanyang mahal sa buhay. Kailan ba naging kasalanan ng lahat ang kasalanan ng dalawang tao?" saad ni Arkanius. Hindi nakasagot si Aro. Tila tinablan ito sa sinabi ng kanyang kapatid. Ngunit panandalian lamang biglang nagbalik ang bangis sa mukha nito. "Ano nga bang mayroon ang babaeng ito at ganoon mo na lamang siya k