I SEE A MONSTER CHAPTER 45 PUMUWESTO sina Arabelle malapit sa mga wolves na nagkukumpol- kumpol upang mas madali nilang mapatay ang mga ito. Sesenyas na sana si Arabelle sa kanyang mga kasamahan nang matigilan siya sa narinig mula kina Arkanius at ang tila kapatid nito. Hindi sinasadya ni Arabelle na mawili ito sa pakikinig kahit na si Yuri. Nagulat naman si Aro dahil sa nakitang isa pala si Arkanius sa mga lobo. Kung kaya't mas sumidhi ang hangarin nitong patayin ang binata. Idagdag pa ang isiping angkan nito ang kumuha kay Arkanius. Mahigpit na hinawakan ni Yuri ang palaso at handa nang tirahin si Arkanius nang matigilan ito. Natigilan ang binata dahil sa dumating na kalesa at may lamang kahon. Mas lalo silang nagulat nang makitang si Abegail pala ang laman ng kahon. Hindi napigilan n