I SEE A MONSTER CHAPTER 58 DALAWANG araw munang hindi pumunta sa mundo ng mga tao si Arkanius. Nagtanim kasi ito ng mga halamang kapalit ng kanyang mga kinuha na dinala niya sa puntod ni Abegail. Ngunit sa araw na ito ay nagpasyang dumalaw ulit ang binata sa puntod ng dalaga. Nami- miss na naman niya kasi ito kaya gusto na naman niyang puntahan ang puntod ng dalaga. Kaagad na nakarating si Arkanius sa bunganga ng mahiwagang lagusan. Mabilis siyang sumuot sa bukana nito at ilang saglit pa ay nasa kagubatan na naman siya malapit sa bakuran nina Abegail. Sumilay ang ngiti sa labi ng binata at inilang hakbang niya lamang ang pagitan ng bakod at ang kagubatan. Maya- maya pa'y nasa harapan na siya ng puntod ni Abegail. "Kumusta ka na? Pasensiya na ngayon lang ako ulit nakadalaw, pinalitan ko