I SEE A MONSTER CHAPTER 57 MULING bumalik si Arkanius sa kanilang mundo. Mas naging tahimik ito at laging nawawala. Hindi naman na tinanong ni Donnington kung saan ito nagpupupunta. Dahil kahit hindi naman sabihin sa kanya ng kanyang anak kung saan ito pumupunta ay lagi namang nakasunod si Aro sa binata. Hindi lamang ito nagpapakita dahil palihim niya lang binabantayan ang kanyang kapatid. At alam niyang palagi itong pumpunta sa mundo ng mga tao upang dalawin ang puntod ni Abegail. Kaya hindi na umimik pa si Donnington. Mas mahalaga na sa kanya ang kasiyahan ng kanyang anak. Kung doon ito masaya ay wala na siyang magagawa pa. Hahayaan na lamang niya ang binata na laging dinadalaw ang puntod ni Abegail. Mukhang masaya kasi kahit papaano kapag galing ito sa mundo ng mga tao. "Galing na