I SEE A MONSTER CHAPTER 56 MABILIS NA nakarating si Arkanius sa mundo ng mga tao. Pagmulat ng kanyang nga mata ay nasa bakuran na siya ng bahay- bakasyunan nina Abegail. Marahang naglakad si Arkanius papalabas ng gubat hanggang sa narating niya ang gate ng likuran nina Abegail. Napatigil ang binata at malungkot na pinagmasdan ang bahay ng dalaga. Nakatayo lamang ito at hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa. Natatakpan ng mga namumuong luha ang mga mata ng binata. Nagsisikip ang dibdib nito na tila hindi makahinga. Kung kaya't mabilis itong tumalikod at akmang aalis na nang marinig nito ang matinis na tawa ni Abegail. Agad na humarap muli ang binata. Nakatayo si Abegail na nakangiti sa kanya at nakalahad ang mga kamay nito. Na tila hinihintay ang kamay ni Arkanius na idantay ito sa k