I SEE A MONSTER CHAPTER 55 KUSA namang naghilom ang mga sugat ni Arkanius. Subalit pinatingnan pa rin ni Donnington ang kanyang anak upang masigurong ligtas ito sa anumang panganib. "What have you've done? Ikaw ang pinakamagaling at pinakamalakas sa ating angkan bakit mo hinayaang saktan ka ng mga iyon?" inis na sabi ni Donnington sa anak nang magkamalay na ito. Ni hindi pinag- aksayahan ni Arkanius na tingnan ang kanyang ama. Nakatingin lang ito sa kawalan at parang lantang gulay na nakalupaypay lamang. "Bakit hindi mo ako sumbatan Arkanius upang maibsan ang dinadala mo sa iyong dibdib? Come on! Punch me if you want! Punish me hard as much as you wish for!" nagngangalaitong wika ulit ni Donnington. Subalit nanatiling walang imik ang binata. Parang siya lang ang naroon at wala siyang