I SEE A MONSTER CHAPTER 54 KINABUKASAN ay nagpunta si Yayoh sa loob ng dungeon. Naroon na rin ang ibang kasama nito. Naghihintay lamang sa kanyang magiging utos. Nang makita siya ay binati siya ng mga ito kasabay ng kanilang pagyukod bilang kanilang paggalang sa kanya. "Arkanius, pinapakawalan ka dahil sa absuwelto ka sa iyong ginawa. Subalit ikaw ay hindi muna papayagang lumahok sa anumang gaganapin sa loob ng Kastilyo. Pagkatapos ng iyong suspension ay maaaring kang magbalik loob sa mahal na hari." Saad ng tagapayo ni Yayoh. Inalis ang kadena sa magkabilang kamay ng binata at iniahon mula sa tubig. Nanghihina ito subalit walang tugon ang binata na narinig ni Yayoh. "Nawa'y maunawaan mo ang aking pasya. Naiintindihan kita," sabi ni Yayoh. Hindi nag- angat ng mukha si Arkanius. Ni hi