I SEE A MONSTER CHAPTER 40 HALOS magdamagan ang mga hindi kanais- nais na pangyayari sa lungsod. Marami ang nasawi sa mga tao at marami- rami rin sa mga lobo. Halos hingalin si Arkanius sa pakikipgalaban sa kanyang angkan. At dahil sa tinatangka na rin siyang patayin ay wala na siyang nagawa pa kundi labanan ang mga ito. Alam niyang dumating na sa puntong iiisip ng karamihan sa kanila na sa tao siya kumakampi. Subalit sa kaibuturan ng kanyang puso ang kanyang mga nagawa ay labag sa kanyang isipan. Hiniling ng pagkakataon at wala siyang pamimilian. AT alam na rin niyang sa isang kisap- mata ay maaaring magmando ang kanyang ama upang lubusang wakasan ang mundo ng mga tao. Napapikit si Arkanius at hindi mapigilang mapaluha habang nakikita niya sa kanyang balintataw ang mga inosenteng nadam