I SEE A MONSTER CHAPTER 39 PABALING- BALING si Abegail nang gabing iyun. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Nagkaganito na siya noong nakaraang linggo subalit mas matindi ngayon. Parang napakainit, napakaalinsangan at tila marami siyang nakikinita- kinitang mga senaryo na hindi niya alam. Nagpapawis siya nang malapot at uhaw na uhaw siya. Kumikirot ang ulo ni Abegail na tila punupokpok ng martilyo. Kaya napilitan siyang bumangon ay kinapa ang kanyang bottled water sa side table niya. Dire- diretso niyang ininom iyun hanggang sa maubos niya ang laman. Ngunit hindi na naibsan ang kakaibang kanyang nararamdaman. Biglang umihip ang malakas na hangin. Napalinga ang dalaga sapagkay naisarado niya kanina ang lahat ng mga bintana ng kanyang kwarto. Nayakap ni Abegail ang kanyang