I SEE A MONSTER CHAPTER 28 HUMIHINGAL na bumalikwas ng bangon si Arabelle. Tuyong- tuyo ang kanyang lalamunan at agad nilingon si Abegail sa kabilang kama. Nakaupo ito at tumayo na tila papunta sa kanyang kinaroroonan. Agad sinalubong ni Arabelle ang kanyang anak at mahigpit na niyakap ito. Umiiyak siyang hinaplos- haplos nito ang mukha ng dalaga. "Mom, are you okay?" nag- aalalang tanong ng dalaga. "I'm okay baby, I'm okay!" luhaang tumatango si Arabelle. Impit na umiiyak habang pinagmamasdan ang kanyang inosenteng anak. Na ngayon ay mas matigas pa kaysa sa kanya. "Do you want to drink water?" muling tanong ng dalaga. "Ako na lang anak, stay here." Sagot ni Arabelle habang sumisinghot. Nanginginig pa rin ang buong katawan niya sa kanyang masamang panaginip. Ilang taon nang hindi s