I SEE A MONSTER CHAPTER 29 HANGGANG kinaumagahan ay palaisipan pa rin kay Arkanius ang matandang kanyang nakita. Paano nito nalamang hindi siya tao gayong parang tunay na anyong tao ang kanyang hitsura. Lahat ng mga galaw ng isang tao ay kanyang ginagaya. Lahat nang uri ng mga pamumuhay, pananamit at pananalita ay kuhang- kuha niya. Hindi kaya isang mangkukulam ang matandang iyun? "Dito ka lang pala kita mahahanap mahal kong kapatid." Mula sa likuran ni Arkanius ay biglang lumitaw si Aro. Pumihit paharap si Arkanius upang makausap ng maayos ang kanyang kapatid. "Hinanap din kita noong isang araw pa at kahapon. Hindi ko kayo matagpuan sapagkat may ibig akong malaman mula sa inyong bibig mismo." Sagot ni Arkanius. "Talaga? At ano naman kay ang gusto mong malaman mula sa amin? Huwag kan