I SEE A MONSTER CHAPTER 30 HINANAP ni Aro ang kanyang mga kasamahan. Tapos na ang kanilang unang misyon. Nakuha na nito ang kasagutan ni Arkanius tungkol sa bilin ng kanilang ama na ibalik siya sa kanilang mundo. Malinaw ang naging kasagutan ng kanyang kapatid, kahit bali- baliktarin ni Aro ang kanyang tanong sa kapatid iyun pa rin ang kasagutan nito. Hiling niya na sana ay hindi- hindi pagsisisihan ni Arkanius ang naging desisyon nito. Wala sina Miguel at Astrel sa bahay na kanilang tinitirhan. Kaya muli niyang hinanap ang dalawa. Ang iba ay binilinan na niyang mauna na sila sa kanilang mundo. Muling nagbalik si Aro sa kagubatan kung saan palaging naroon ang dalawa. Laging tinatakot nina Miguel at Astrel ang mga mangangaso sa kagubatan. Kinakalbo na kasi ng mga ito ang buong bundok. T