I SEE A MONSTER CHAPTER 51 MULING inakay nina Damien at Korina si Arabelle upang bumalik sa bahay- bakasyunan. Ayaw na sanang bumalik pa si Arabelle dahil gusto na nitong makauwi sa Mansiyon. Subalit hindi pumayag si Yayoh kung kaya't bumalik silang lahat sa bahay- bakasyunan nina Arabelle. Humantong sila sa puntod ni Abegail. Marahang hinaplos ni Arabelle ang pangalan ng kanyang anak na nakaukit sa lapida. Muling napaiyak si Arabelle habang hinahaplos ang puntod ng kanyang anak. "Ngayon, Arabelle sabihin mo sa akin ang buong katotohanan." Wika ni Yayoh. Napatakip si Arabelle sa kanyang sariling bibig at tila nagbalik sa kanyang balintataw ang kahapong nagdaan... Masayang naglalakad sa may kakahuyan ang tatlong magkakaibigan. Nagtatawanan pa ang mga ito at naghaharutan. Kahit sinong