I SEE A MONSTER CHAPTER 52 NAG- AALINLANGAN man si Arabele na sabihin kina Yayoh ang huling pag- asa kay Abegail. Subalit gusto na niyang maitama ang lahat. Nang sa ganoon ay mapayapa na rin ang kanyang kaisipan. "Ngunit may sinabi sa akin ang salamangkera bago niya ikubli ang pagkatao ni Abegail." Maya- maya'y wika ni Arabelle. Sabay na napatingin ang magkapatid kay Arabelle. Kahit ang mag- asawa ay natigilan at tila naghihintay sa anumang sasabihin niya. "Sabi ng salamangkera, ang kanyang pagkamatay ay hindi mapipigilan. Subalit muli siyang maisisilang ngunit hindi na rito sa mundo naming mga tao. Bagkus ay sa inyong mundo, mawawala ang lahat ng kanyang mga ala- ala. At kailanman ay hindi na siya makakabalik rito." Saad ni Arabelle. Hindi nakaimik si Yayoh bagkus ay tumingin ito sa